National Cooperative Mutual Fund of the Philippines, Inc. (NCMFP)

Para kanino and NCMFP?

Ang NCMFP ay para sa mga kooperatiba lamang sa Pilipinas. Ang layon nito ay makapagbigay ng oportunidad sa mga kooperatiba upang palaguin ang kanilang natabing pera. Ang NCMFP sa ngayon, ay limitado lamang sa mga kooperatiba at hindi angkop para sa indibidwal.

Anu-anong investments ang karaniwang bumubuo sa NCMFP?

Ang NCMFP ay isang balanced fund na binubuo ng fixed income securities tulad ng Treasury Bills, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Certificate of Indebtedness, at iba pang government securities o bonds at iba pang ebidensya ng obligasyon na ibinibigay ng BSP o mga ginarantiya ng gobyerno ng Pilipinas. Meron din itong equity securities na nakatala sa Philippine Stock Exchange.

Anong uri ng investor ang pwedeng mag-invest sa NCMFP?

Ang NCMFP ay para sa mga kooperatiba na medyo agresibo ang risk profile, at batid ang posibleng mas mataas na kita sa piling-pili na stocks kahit pa may kaunting risk dito. Ang mga investors na ito ay nag-iinvest ng mula katamtaman hanggang sa matagalang termino upang mabawasan ang risk at mapalaki pa ng kanilang kita.

Magkano ang halag ng bawat share kung naisipan na mag-invest ng kooperatiba sa araw na iyon?

Ang halaga ng bawat share ay nakabase sa NAVPS na kinukwenta araw-araw. Ang cut-off period para sa investment at redemption ay hanggang alas dose ng tanghali lamang. Ang mga investments na hindi umabot sa cut-off period ay mikukuwenta at maisasama na sa susunod na banking day.

Ano ang NAVPS? Ano ang kahulugan ng NAVPS?

Ang NAVPS o Net Asset Value Per Share ay makukuha sa pagkwenta ng Total Assets less Total liabilities divided by the number of outstanding shares. Ito ay pwedeng tumaas o bumaba ayon sa market value ng mga investments nito.

MGA BENEPISYO NG NCMFP PARA SA MGA KOOPERATIBA:

Oportunidad na makilahok sa Philippine Equities

Ang pag-invest sa NCMFP ay magbibigay ng pagkakataon sa mga kooperatiba na sumali sa pamilihan ng sapi gaya ng isang tunay na investor. Ang NCMFP ay magandang investment outlet para sa kanilang ekstrang pondo.

Mataas sa regular na kita ng pondo

Sa minimum investment lamang na Php100,000.00, pwedeng madagdagan ang inyong kita ng mas mataas sa normal na yield na nakukuha sa savings account o time deposit.

Maingat at ekspertong pamamahala mula sa PhilAm Asset Management, Inc. (PAMI)

Parami ng parami ang nagtitiwala sa PAMI sa pangangalaga ng mga pondo. Ang PAMI ay kilala na bilang most awarded fund manager sa mutual fund industry at karangalan nito na ibahagi sa mga kooperatiba ang mga tamang paraan ng pag-save at pag-invest.

Pangangalaga ng kapital

Layunin ng NCMFP na ipreserba ang inyong pondo at paunlarin pa ang pangmatagalang halaga nito sa pamamagitan ng pag-invest sa stocks. Ito ay long-term investment at kung ibig ninyong maging ka-isa sa pagbangon at pagsulong ng Philippine equities market, ito ang fund para sa inyo.

NCMFP Account Opening Guidelines

  • Fund Type - Balanced Fund
  • Minimum Initial Investment - Php 100,000
  • Minimum Additional Investment - Php 10,000
  • Term/Tenor - Medium to Long Term
  • Minimum Holding Period - six months
Documentary Requirements for Cooperative Accounts:
  • Client Information Sheet (CIS)
  • Duly Certified Copy of Articless of Cooperation
  • Duly Certified Copy of By-Laws
  • Board Resolution or Secretary's Certificate to invest in the Fund
  • Board Resolution or Secretary's Certificate of the authorized signatories
  • Latest Cooperative Annual Performance Report (CAPR)
  • Photocopy of IDs of each authorized signatory
  • Certificate of Registration from Cooperative Development Authority (CDA)
-------------

Para sa karagdagan pang impormasyon, maaaring mag-email sa support@mutualfundphilippines.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Top WordPress Themes